1 Samuel 29:4-6
Ang Biblia (1978)
4 Nguni't ang mga prinsipe ng mga Filisteo ay nagalit sa kaniya; at sinabi ng mga prinsipe ng mga Filisteo sa kaniya, Pabalikin mo ang taong iyan, upang siya'y bumalik sa kaniyang dako (A)na iyong pinaglagyan sa kaniya, at huwag mong pababain na kasama natin sa pakikipagbaka, baka sa pagbabaka ay maging kaaway natin siya: sapagka't paanong makikipagkasundo ito sa kaniyang panginoon? hindi ba sa pamamagitan ng mga ulo ng mga taong ito?
5 Hindi ba ito ang David na siyang kanilang pinagaawitanan sa mga sayaw, na sinasabi,
(B)Pinatay ni Saul ang kaniyang libolibo,
At ni David ang kaniyang laksalaksa?
Hindi nagtiwala kay David ang Filisteo.
6 Nang magkagayo'y tinawag ni Achis si David, at sinabi sa kaniya, Buhay ang Panginoon, ikaw ay matuwid, at ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok na kasama ko sa hukbo ay mabuti sa aking paningin: sapagka't hindi ako nakasumpong ng kasamaan sa iyo mula sa araw ng iyong pagdating sa akin hanggang sa araw na ito: gayon ma'y hindi ka kinalulugdan ng mga pangulo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978