Font Size
1 Samuel 30:20-22
Ang Biblia, 2001
1 Samuel 30:20-22
Ang Biblia, 2001
20 Kinuha rin ni David ang lahat ng kawan at bakahan at dinala nang una sa ibang mga hayop. Sinasabi ng mga tao, “Ito'y samsam ni David.”
21 At dumating si David sa dalawandaang lalaki na pagod na pagod upang makasunod kay David, na naiwan sa batis ng Besor. Sila'y lumabas upang salubungin si David at ang mga taong kasama niya. Nang mapalapit si David sa taong-bayan, siya'y nagpugay sa kanila.
22 Nang magkagayo'y sumagot ang lahat ng masasamang tao, at mga taong mababang uri na lumabang[a] kasama ni David, “Sapagkat hindi sila lumabang kasama namin, hindi namin sila bibigyan ng samsam na aming nabawi, maliban sa bawat lalaki na makukuha niya ang kanyang asawa at ang kanyang mga anak at umalis.”
Read full chapterFootnotes
- 1 Samuel 30:22 Sa Hebreo ay humayo .