Add parallel Print Page Options

Namatay ang Asawa ni Finehas

19 Kabuwanan noon ng asawa ni Finehas. Nang malaman niyang nakuha ang Kaban ng Diyos, namatay ang kanyang biyenan, at napatay ang kanyang asawa, biglang sumakit ang kanyang tiyan at napaanak nang di oras. 20 Malubha ang kanyang kalagayan. Sinabi ng mga hilot sa kanya, “Lakasan mo ang iyong loob, lalaki ang anak mo.” Ngunit hindi siya umimik.

21 Ang bata ay pinangalanan niyang Icabod[a] na ang kahuluga'y “Umalis na ang kaluwalhatian ng Diyos sa Israel.” Ang tinutukoy niya'y ang pagkakuha sa Kaban ng Diyos at iniisip niya ang pagkamatay ng kanyang biyenan at ng kanyang asawa.

Read full chapter

Footnotes

  1. 21 ICABOD: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng pangalang ito'y “walang kaluwalhatian”.