Font Size
1 Samuel 4:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
1 Samuel 4:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Napasigaw sa tuwa ang mga Israelita nang dalhin sa kanilang kampo ang Kaban ng Tipan ni Yahweh. Halos nayanig ang lupa sa lakas ng kanilang sigawan. 6 Nang marinig ito ng mga Filisteo, itinanong nila, “Bakit kaya napakaingay sa kampo ng mga Hebreo?”
Nang malaman nilang nasa kampo ng mga Israelita ang Kaban ng Tipan ni Yahweh, 7 natakot sila. Sinabi nila, “May dumating na mga diyos sa kampo ng mga Israelita. Nanganganib tayo ngayon! Ngayon lamang nangyari ito sa atin!
Read full chapter