Add parallel Print Page Options

Ang mga bayan ng Filisteo ay pinarusahan.

Nguni't (A)ang kamay ng Panginoon ay bumigat sa mga taga Asdod, at mga (B)ipinahamak niya, at mga sinaktan ng mga (C)bukol, sa makatuwid baga'y ang Asdod at ang mga hangganan niyaon.

At nang makita ng mga lalake sa Asdod na gayon, ay kanilang sinabi, Ang kaban ng Dios ng Israel ay huwag matirang kasama natin; sapagka't ang kaniyang kamay ay mabigat sa atin, at kay Dagon ating dios.

Sila'y nagsugo nga at nagpipisan ang lahat ng mga (D)pangulo ng mga Filisteo sa kanila at sinabi, Ano ang ating gagawin sa kaban ng Dios ng Israel? At sila'y sumagot, Dalhin sa (E)Gath ang kaban ng Dios ng Israel. At kanilang dinala roon ang kaban ng Dios ng Israel.

Read full chapter