Add parallel Print Page Options

Nang makita ng mga taga-Ashdod ang nangyari, sinabi nila, “Hindi dapat manatili sa atin ang Kahon ng Dios ng Israel dahil pinarurusahan niya tayo at si Dagon na ating dios.” Kaya ipinatawag nila ang lahat ng pinuno ng mga Filisteo at nagtanong, “Ano ang gagawin natin sa Kahon ng Dios ng Israel?” Sumagot sila, “Dalhin ito sa Gat.” Kaya dinala nila ang Kahon ng Dios ng Israel sa Gat.

Pero nang dumating ito roon, pinarusahan din ng Panginoon ang mga tao sa lungsod na iyon. Labis na nagkagulo ang buong bayan dahil binigyan din sila ng Panginoon ng mga tumor, bata man o matanda.

Read full chapter