1 Samuel 6:18-20
Ang Biblia (1978)
18 At ang mga dagang ginto, ayon sa bilang ng lahat ng mga bayan ng mga Filisteo na nauukol sa limang pangulo, ng mga bayan na nakukutaan at gayon din ng mga (A)nayon sa parang; sa makatuwid baga'y hanggang sa (B)malaking bato na kanilang pinagbabaan ng kaban ng Panginoon, na ang batong yaon ay namamalagi hanggang sa araw na ito sa bukid ni Josue na Beth-semita.
19 At sumakit ang (C)Dios sa mga tao sa Beth-semes, sapagka't kanilang tiningnan ang loob ng kaban ng Panginoon, sa makatuwid baga'y pumatay siya sa bayan ng pitong pung lalake at limang pung libong tao. At ang bayan ay nanaghoy, sapagka't sinaktan ng Panginoon ang bayan ng di kawasang pagpatay.
20 At ang mga lalake sa Beth-semes ay nagsabi, (D)Sino ang makatatayo sa harap ng Panginoon, dito sa banal na (E)Dios? at sino ang kaniyang sasampahin mula sa atin?
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978