Add parallel Print Page Options

19 At sumakit ang (A)Dios sa mga tao sa Beth-semes, sapagka't kanilang tiningnan ang loob ng kaban ng Panginoon, sa makatuwid baga'y pumatay siya sa bayan ng pitong pung lalake at limang pung libong tao. At ang bayan ay nanaghoy, sapagka't sinaktan ng Panginoon ang bayan ng di kawasang pagpatay.

20 At ang mga lalake sa Beth-semes ay nagsabi, (B)Sino ang makatatayo sa harap ng Panginoon, dito sa banal na (C)Dios? at sino ang kaniyang sasampahin mula sa atin?

21 At sila'y nagsugo ng mga sugo sa mga tumatahan sa (D)Chiriath-jearim, na nagsasabi, Ibinalik ng mga Filisteo ang kaban ng Panginoon; kayo'y magsilusong at iahon ninyo sa inyo.

Read full chapter