1 Samuel 9:11-13
Ang Biblia (1978)
11 Samantalang inaahon nila ang ahunan sa bayan ay (A)nakasalubong sila ng mga dalagang lumalabas upang umigib ng tubig, at sinabi nila sa kanila, Narito ba ang tagakita?
12 At sila'y sumagot sa kanila, at nagsabi, Siya'y nariyan, narito, nasa unahan mo: magmadali kayo ngayon, sapagka't siya'y naparoon ngayon sa bayan; sapagka't ang bayan ay may (B)hain ngayon (C)sa mataas na dako.
13 Pagkapasok ninyo sa bayan, ay agad masusumpungan ninyo siya, bago siya umahon sa mataas na dako upang kumain; sapagka't ang bayan ay hindi kakain hanggang sa siya'y dumating, sapagka't kaniyang binabasbasan ang hain; at pagkatapos ay kumakain ang mga inanyayahan. Kaya nga umahon[a] kayo; sapagka't sa oras na ito'y inyong masusumpungan siya.
Read full chapterFootnotes
- 1 Samuel 9:13 tal. 27.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978