1 Samuel 9:19-21
Ang Biblia (1978)
19 At sumagot si Samuel kay Saul, at nagsabi, Ako ang tagakita; umahon kang magpauna sa akin sa mataas na dako, sapagka't kakain kang kasalo ko ngayon: at sa kinaumagahan ay payayaunin kita, at sasaysayin ko sa iyo ang lahat na nasa loob mo.
20 (A)At tungkol sa iyong mga asno na may tatlong araw ng nawawala ay huwag mong alalahanin; sapagka't nasumpungan na. At kanino ang buong pagnanasa sa Israel? Hindi ba sa iyo, at sa buong sangbahayan ng iyong ama?
21 At si Saul ay sumagot, at nagsabi, Hindi ba ako Benjamita, sa (B)pinakamaliit na lipi ng Israel? at ang (C)aking angkan ang pinakamababa sa mga angkan ng lipi ng Benjamin? bakit nga nagsasalita ka sa akin ng ganitong paraan?
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978