Font Size
1 Samuel 9:24-26
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
1 Samuel 9:24-26
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
24 Kaya kinuha ng tagapagluto ang hita at inilagay sa harapan ni Saul. Sinabi ni Samuel kay Saul, “Kainin mo, itinabi ko talaga iyan bago ko inimbitahan ang mga taong ito para sa ganitong mahalagang okasyon.” Kaya kumain si Saul kasama si Samuel nang araw na iyon.
25 Pagbalik nila sa bayan galing sa sambahan sa mataas na lugar, ipinaghanda siya ni Samuel ng matutulugan doon sa patag na bubong ng kanyang bahay, 26 at doon natulog si Saul. Kinaumagahan, tinawag ni Samuel si Saul kung saan siya natulog, “Bangon na! Maghanda ka na, dahil pauuwiin na kita.” Nang makapaghanda na si Saul, sabay silang lumabas ng bahay ni Samuel.
Read full chapter
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®