Add parallel Print Page Options

24 Inilabas ng tagapagluto ang pigi at hita ng handog, at inihain kay Saul.

Sinabi ni Samuel, “Narito ang bahaging ibinukod para sa iyo. Kainin mo sapagkat iyan ay inilaan sa iyo sa pagkakataong ito.”

Nang araw na iyon, kumain nga si Saul kasalo ni Samuel. 25 Pagbalik nila sa lunsod, may nakahanda nang higaan sa ibabaw[a] ng bahay para kay Saul. Doon siya natulog nang gabing iyon.

Binuhusan ng Langis si Saul

26 Kinabukasan ng madaling araw, nilapitan siya ni Samuel at ginising, “Bangon na at nang makalakad na kayo.” Bumangon nga si Saul at silang dalawa ni Samuel ay lumabas sa lansangan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Samuel 9:25 HIGAAN SA IBABAW: Nang mga panahong iyon, ang mga bubong ng bahay ay pantay at kadalasang tinutulugan ng mga panauhin.