Add parallel Print Page Options

At siya'y nagdaan sa lupaing maburol ng Ephraim, at nagdaan sa lupain ng (A)Salisa, nguni't hindi nila nangasumpungan: nang magkagayo'y nagdaan sila sa lupain ng Saalim, at wala roon: at sila'y nagdaan sa lupain ng mga Benjamita, nguni't hindi nila nangasumpungan doon.

Nang sila'y dumating sa lupain ng Suph, ay sinabi ni Saul sa kaniyang bataan na kasama niya, Halina at bumalik tayo, baka walaing bahala ng aking ama ang mga asno at ang alalahanin ay tayo.

At sinabi niya sa kaniya, Narito, may isa ngang (B)lalake ng Dios sa bayang ito, at siya'y isang lalaking may dangal; (C)lahat ng kaniyang sinasabi ay tunay na nangyayari: ngayo'y pumaroon tayo; marahil ay masasaysay niya sa atin ang tungkol sa ating paglalakbay kung saan tayo paroroon.

Read full chapter