Add parallel Print Page Options

13 Patuloy din ang aming pagpapasalamat sa Diyos sapagkat nang ipinangaral namin sa inyo ang salita, tinanggap ninyo ito hindi bilang mula sa tao kundi bilang salita ng Diyos na nagbubunga sa inyong mga sumasampalataya. 14 Tinularan ninyo, mga kapatid, ang halimbawa ng mga iglesya ng Diyos sa Judea na nakay Cristo Jesus. Dumanas din kayo ng hirap mula sa kamay ng sarili ninyong mga kababayan, gaya rin ng mga taga-Judea na inusig ng kapwa nila Judio. 15 Sila ang pumatay sa Panginoong Jesus at sa mga propeta; sila rin ang nagpalayas sa amin. Hindi sila kalugud-lugod sa Diyos, gayundin sa lahat ng tao!

Read full chapter