Add parallel Print Page Options

Ang Pagdating ng Panginoon

13 Ngunit, hindi ko ibig na kayo mga kapatid, ay hindi makaalam patungkol sa mga natutulog upang huwag kayong magdalamhati na tulad ng mga iba na walang pag-asa.

14 Ito ay sapagkat kung naniniwala tayo na si Jesus ay namatay at nagbangong muli, gayundin naman ang mga natutulog kay Jesus ay dadalhin ng Diyos kasama niya. 15 Ito ay sinasabi namin sa inyo ayon sa salita ng Panginoon na tayong nabubuhay at nanatili hanggang sa pagdating ng Panginoon ay hindi mauuna sa anumang paraan sa mga natutulog.

Read full chapter