Add parallel Print Page Options

Alalahanin nating hindi ginawa ang Kautusan para sa mga matuwid kundi para sa mga sumusuway sa batas, sa mapanghimagsik, sa mga hindi maka-Diyos at sa mga makasalanan; para ito sa mga masasama at lapastangan; para sa mga pumapatay ng ama o ina, sa mga mamamatay-tao. 10 Ibinigay rin ang Kautusan para sa mga imoral, mga nakikipagtalik sa kapwa lalaki o babae, para sa mga sapilitang kumukuha ng tao upang ibenta bilang alipin; para sa mga sinungaling at bulaang saksi. Ang Kautusan ay para sa lahat na sumasalungat sa mabuting aral 11 na naaayon sa maluwalhating ebanghelyo ng mapagpalang Diyos. Ito ang balitang ipinagkatiwala sa akin.

Read full chapter