Font Size
1 Timoteo 6:9-11
Ang Salita ng Diyos
1 Timoteo 6:9-11
Ang Salita ng Diyos
9 Ngunit ang mga naghahangad na maging mayaman ay nahuhulog sa tukso at sa isang silo. Sila ay nahuhulog sa mga mangmang na hangarin na makakapinsala sa kanila, at nagtutulak sa mga tao na malunod sa pagkawasak at pagkapahamak. 10 Ito ay sapagkat ang pag-ibig sa salapi ang ugat sa lahat ng uri ng kasamaan. Ang ilang tao na nagpupumilit na makamtan ito ay naligaw palayo sa pananampalataya. Maraming pagdadalamhati ang lumalagos sa kanilang mga sarili.
Ang Tagubilin ni Pablo kay Timoteo
11 Ngunit ikaw, o tao ng Diyos, lumayo ka sa mga bagay na ito at sikapin mong maabot ang mga bagay na may katuwiran, pagiging maka-Diyos, pananampalataya, pag-ibig, pagtitiis at kaamuan.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International