1 Cronica 6:54-80
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang mga Lupain ng Lahi ni Levi
54 Ito ang mga lupain na ibinigay sa angkan ni Aaron na mula sa angkan ni Kohat. Sila ang unang binigyan ng lupain sa pamamagitan ng palabunutan. 55 Kabilang sa mga lupaing ito ay ang Hebron na nasa Juda at ang mga pastulan sa paligid nito. 56 Pero ang mga bukirin at ang mga baryo sa paligid ng Hebron ay ibinigay kay Caleb na anak ni Jefune. 57 Kaya ibinigay sa angkan ni Aaron ang mga sumusunod na lupain kabilang ang mga pastulan nito: Hebron (ang lungsod na tanggulan), Libna, Jatir, Estemoa, 58 Hilen,[a] Debir, 59 Ashan,[b] Juta,[c] at Bet Shemesh. 60 At mula sa lupain ng lahi ni Benjamin ay ibinigay sa kanila ang Gibeon,[d] Geba, Alemet at Anatot, pati na ang mga pastulan nito. Ang bayan na ibinigay sa angkang ito ni Kohat ay 13 lahat. 61 Ang natirang mga angkan ni Kohat ay binigyan ng sampung bayan sa pamamagitan ng palabunutan mula sa lupain ng kalahating lahi ni Manase.
62 Ang mga angkan ni Gershon ayon sa bawat pamilya ay binigyan ng 13 bayan mula sa mga lahi nina Isacar, Asher, Naftali, at mula sa kalahating lahi ni Manase sa Bashan.
63 Ang angkan ni Merari, ayon sa bawat pamilya ay binigyan ng 12 bayan mula sa lahi nina Reuben, Gad at Zebulun.
64 Kaya ibinigay ng mga Israelita sa mga Levita ang mga bayang ito at ang mga pastulan nito. 65 Ibinigay din sa lahi ni Levi ang mga nabanggit na bayan na mula sa lahi nina Juda, Simeon at Benjamin. 66 Ang ibang mga pamilya ni Kohat ay binigyan ng mga bayan mula sa lahi ni Efraim. 67 Ibinigay sa kanila ang Shekem (na siyang lungsod na tanggulan sa kaburulan ng Efraim), ang Gezer, 68 Jokmeam, Bet Horon, 69 Ayalon at Gat Rimon, pati na ang mga pastulan nito. 70 Ang iba pang angkan ni Kohat ay binigyan ng mga kapwa nila Israelita ng mga bayan mula sa kalahating lahi ni Manase. Ang ibinigay sa kanila ay ang Aner at Bileam pati ang mga pastulan nito.
71 Ang angkan ni Gershon ay binigyan ng mga sumusunod na bayan:
Mula sa kalahating lahi ni Manase: Golan sa Bashan at ang Ashtarot, pati ang mga pastulan nito.
72 Mula sa lahi ni Isacar: Kedesh, Daberat, 73 Ramot at Anem, pati ang mga pastulan nito.
74 Mula sa lahi ni Asher: Mashal, Abdon, 75 Hukok at Rehob, pati ang mga pastulan nito.
76 Mula sa lahi ni Naftali: Kedesh sa Galilea, Hammon at Kiriataim, pati ang mga pastulan nito.
77 Ang mga natirang angkan ni Merari ay binigyan ng mga sumusunod na lupain:
Mula sa lahi ni Zebulun: Jokneam, Karta,[e] Rimono at Tabor, pati ang mga pastulan nito.
78 Mula sa lahi ni Reuben na nasa kabilang Ilog ng Jordan sa silangan ng Jerico: Bezer sa may disyerto, Jaza,[f] 79 Kedemot at Mefaat, pati ang mga pastulan nito.
80 At mula sa lahi ni Gad: Ramot sa Gilead, Mahanaim,
Read full chapterFootnotes
- 6:58 Hilen: o, Holon.
- 6:59 Ashan: o, Ain.
- 6:59 Juta: Wala ito sa tekstong Hebreo, pero makikita sa tekstong Syriac.
- 6:60 Gibeon: Wala ito sa tekstong Hebreo, pero makikita sa Josue 21:17.
- 6:77 Jokneam, Karta: Hindi ito makikita sa tekstong Hebreo ngunit makikita sa Septuagint at sa Josue 21:34.
- 6:78 Jaza: o, Jahaz.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®