Add parallel Print Page Options

Nag-alay ng mga Handog na Sinusunog

16 Kanilang ipinasok ang kaban ng Diyos, at inilagay sa gitna ng tolda na itinayo ni David para rito, at sila'y naghandog ng mga handog na sinusunog, at mga handog pangkapayapaan sa harapan ng Diyos.

Pagkatapos makapaghandog si David ng handog na sinusunog at ng mga handog pangkapayapaan, kanyang binasbasan ang bayan sa pangalan ng Panginoon.

Siya'y namahagi sa buong Israel, sa lalaki at gayundin sa babae, sa bawat isa ng isang tinapay at isang bahaging laman, at mga tinapay na pasas.

Bukod dito'y hinirang niya ang ilan sa mga Levita upang maglingkod sa harapan ng kaban ng Panginoon, at upang manalangin, magpasalamat, at magpuri sa Panginoon, ang Diyos ng Israel.

Si Asaf ang pinuno, at ang ikalawa'y sina Zacarias, Jeiel, Semiramot, Jehiel, Matithias, Eliab, Benaya, Obed-edom, at si Jeiel, na sila ang tutugtog sa mga alpa at mga lira. Si Asaf ang magpapatunog ng pompiyang,

at sina Benaya at Jahaziel na mga pari ang patuloy na hihihip sa mga tambuli sa harapan ng kaban ng tipan ng Diyos.

Nang araw na iyon ay unang iniutos ni David na ang pagpapasalamat ay awitin sa Panginoon, sa pamamagitan ni Asaf at ng kanyang mga kapatid.

Ang Awit ng Pagpapasalamat(A)

O kayo'y magpasalamat sa Panginoon, tumawag kayo sa kanyang pangalan;
    ipakilala ninyo sa mga bayan ang kanyang mga gawa.
Umawit kayo sa kanya, magsiawit kayo ng mga papuri sa kanya;
    ipahayag ninyo ang lahat niyang mga kamanghamanghang gawa.
10 Lumuwalhati kayo sa kanyang banal na pangalan;
    magalak ang puso ng mga nagsisihanap sa Panginoon.
11 Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kanyang lakas;
    palagi ninyong hanapin ang kanyang pakikiharap.
12 Alalahanin ninyo ang kanyang kamanghamanghang mga gawa na kanyang ginawa;
    ang kanyang mga kababalaghan, ang mga hatol na kanyang binigkas,
13 O kayong binhi ni Israel na kanyang lingkod,
    kayong mga anak ni Jacob na kanyang pinili.
14 Siya ang Panginoon nating Diyos;
    ang kanyang mga hatol ay nasa buong lupa.
15 Alalahanin ninyo ang kanyang tipan magpakailanman,
    ang salita na kanyang iniutos sa libu-libong salinlahi;
16 ang(B) tipan na kanyang ginawa kay Abraham,
    at ang kanyang pangakong isinumpa kay Isaac,
17 na(C) kanyang pinagtibay bilang isang tuntunin kay Jacob,
    bilang isang walang hanggang tipan kay Israel,
18 na sinasabi, “Ibibigay ko sa iyo ang lupain ng Canaan,
    ang bahagi ng inyong mana.”
19 Noong sila'y kakaunti sa bilang;
    at wala pang gasinong halaga, at nakikipamayan doon;
20 na nagpagala-gala sa iba't ibang bansa,
    mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan,
21 hindi(D) niya hinayaan na pagmalupitan sila ng sinuman,
    kanyang sinaway ang mga hari dahil sa kanila;
22 na sinasabi, “Huwag ninyong galawin ang aking mga pinahiran ng langis,
    huwag ninyong saktan ang aking mga propeta!”
23 Kayo'y magsiawit sa Panginoon, buong lupa,
    ihayag ninyo ang kanyang pagliligtas sa araw-araw.
24 Ipahayag ninyo ang kanyang kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa,
    ang kanyang mga kamanghamanghang gawa sa gitna ng lahat ng mga bayan.
25 Sapagkat dakila ang Panginoon at karapat-dapat purihin.
    Siya'y marapat na katakutan nang higit sa lahat ng diyos.
26 Sapagkat lahat ng diyos ng mga bayan ay mga diyus-diyosan;
    ngunit ang Panginoon ang gumawa ng mga langit.
27 Karangalan at kamahalan ang nasa harapan niya,
    kalakasan at kasayahan ang nasa kanyang tahanan.
28 Iukol ninyo sa Panginoon, kayong mga angkan ng mga bayan,
    iukol ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatian at ang kalakasan.
29 Iukol ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kanyang pangalan;
    magdala kayo ng handog, at magsiparoon kayo sa harap niya.
Inyong sambahin ang Panginoon sa banal na kaayusan.
30 Manginig sa harap niya ang buong lupa:
    oo, ang sanlibuta'y nakatayong matatag, hindi kailanman makikilos.
31 Magsaya ang mga langit, at magalak ang lupa;
    at sabihin nila sa gitna ng mga bansa, “Ang Panginoon ay naghahari!”
32 Hayaang umugong ang dagat at ang lahat ng pumupuno dito,
    matuwa ang parang at ang lahat ng naroon;
33 kung magkagayo'y aawit ang mga punungkahoy sa gubat dahil sa kagalakan
    sa harapan ng Panginoon, sapagkat siya'y dumarating upang hatulan ang lupa.
34 O(E) magpasalamat kayo sa Panginoon sapagkat siya'y mabuti;
    sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay nananatili magpakailanman.
35 Sabihin din ninyo:
“Iligtas mo kami, O Diyos ng aming kaligtasan,
    at tipunin mo kami, at iligtas mo kami sa mga bansa,
upang kami'y magpasalamat sa iyong banal na pangalan,
    at lumuwalhati sa iyong kapurihan.
36 Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel,
    mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan.”

At sinabi ng buong bayan, “Amen!” at pinuri ang Panginoon.

Tagapangasiwa sa Harap ng Kaban

37 Kaya't iniwan ni David doon si Asaf at ang kanyang mga kapatid sa harapan ng kaban ng tipan ng Panginoon, upang patuloy na mangasiwa sa harap ng kaban, gaya ng kailangang gawain sa araw-araw.

38 Gayundin si Obed-edom at ang kanyang animnapu't walong kapatid; samantalang si Obed-edom na anak ni Jedutun at si Asa ay magiging mga bantay sa pinto.

39 At kanyang iniwan ang paring si Zadok at ang kanyang mga kapatid na mga pari sa harapan ng tolda ng Panginoon sa mataas na dako na nasa Gibeon,

40 upang patuloy na maghandog ng mga handog na sinusunog sa Panginoon sa ibabaw ng dambana ng handog na sinusunog sa umaga at hapon, ayon sa lahat nang nasusulat sa kautusan ng Panginoon na kanyang iniutos sa Israel.

41 Kasama nila si Heman at si Jedutun, at ang nalabi sa mga pinili at itinalaga sa pamamagitan ng pangalan upang magpasalamat sa Panginoon, sapagkat ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman.

42 Sina Heman at Jedutun ay may mga trumpeta at mga pompiyang para sa tugtugin at mga panugtog para sa mga banal na awitin. Ang mga anak ni Jedutun ay inilagay sa pintuan.

43 At(F) ang buong bayan ay nagsiuwi sa kani-kanilang bahay, at si David ay umuwi upang basbasan ang kanyang sambahayan.

Ministering Before the Ark(A)(B)(C)

16 They brought the ark of God and set it inside the tent that David had pitched(D) for it, and they presented burnt offerings and fellowship offerings before God. After David had finished sacrificing the burnt offerings and fellowship offerings, he blessed(E) the people in the name of the Lord. Then he gave a loaf of bread, a cake of dates and a cake of raisins(F) to each Israelite man and woman.

He appointed some of the Levites to minister(G) before the ark of the Lord, to extol,[a] thank, and praise the Lord, the God of Israel: Asaph was the chief, and next to him in rank were Zechariah, then Jaaziel,[b] Shemiramoth, Jehiel, Mattithiah, Eliab, Benaiah, Obed-Edom and Jeiel. They were to play the lyres and harps, Asaph was to sound the cymbals, and Benaiah and Jahaziel the priests were to blow the trumpets regularly before the ark of the covenant of God.

That day David first appointed Asaph and his associates to give praise(H) to the Lord in this manner:

Give praise(I) to the Lord, proclaim his name;
    make known among the nations(J) what he has done.
Sing to him, sing praise(K) to him;
    tell of all his wonderful acts.
10 Glory in his holy name;(L)
    let the hearts of those who seek the Lord rejoice.
11 Look to the Lord and his strength;
    seek(M) his face always.

12 Remember(N) the wonders(O) he has done,
    his miracles,(P) and the judgments he pronounced,
13 you his servants, the descendants of Israel,
    his chosen ones, the children of Jacob.
14 He is the Lord our God;
    his judgments(Q) are in all the earth.

15 He remembers[c](R) his covenant forever,
    the promise he made, for a thousand generations,
16 the covenant(S) he made with Abraham,
    the oath he swore to Isaac.
17 He confirmed it to Jacob(T) as a decree,
    to Israel as an everlasting covenant:
18 “To you I will give the land of Canaan(U)
    as the portion you will inherit.”

19 When they were but few in number,(V)
    few indeed, and strangers in it,
20 they[d] wandered(W) from nation to nation,
    from one kingdom to another.
21 He allowed no one to oppress them;
    for their sake he rebuked kings:(X)
22 “Do not touch my anointed ones;
    do my prophets(Y) no harm.”

23 Sing to the Lord, all the earth;
    proclaim his salvation day after day.
24 Declare his glory(Z) among the nations,
    his marvelous deeds among all peoples.

25 For great is the Lord and most worthy of praise;(AA)
    he is to be feared(AB) above all gods.(AC)
26 For all the gods of the nations are idols,
    but the Lord made the heavens.(AD)
27 Splendor and majesty are before him;
    strength and joy are in his dwelling place.

28 Ascribe to the Lord, all you families of nations,
    ascribe to the Lord glory and strength.(AE)
29 Ascribe to the Lord the glory due his name;(AF)
    bring an offering and come before him.
Worship the Lord in the splendor of his[e] holiness.(AG)
30     Tremble(AH) before him, all the earth!
    The world is firmly established; it cannot be moved.(AI)

31 Let the heavens rejoice, let the earth be glad;(AJ)
    let them say among the nations, “The Lord reigns!(AK)
32 Let the sea resound, and all that is in it;(AL)
    let the fields be jubilant, and everything in them!
33 Let the trees(AM) of the forest sing,
    let them sing for joy before the Lord,
    for he comes to judge(AN) the earth.

34 Give thanks(AO) to the Lord, for he is good;(AP)
    his love endures forever.(AQ)
35 Cry out, “Save us, God our Savior;(AR)
    gather us and deliver us from the nations,
that we may give thanks to your holy name,
    and glory in your praise.”
36 Praise be to the Lord, the God of Israel,(AS)
    from everlasting to everlasting.

Then all the people said “Amen” and “Praise the Lord.”

37 David left Asaph and his associates before the ark of the covenant of the Lord to minister there regularly, according to each day’s requirements.(AT) 38 He also left Obed-Edom(AU) and his sixty-eight associates to minister with them. Obed-Edom son of Jeduthun, and also Hosah,(AV) were gatekeepers.

39 David left Zadok(AW) the priest and his fellow priests before the tabernacle of the Lord at the high place in Gibeon(AX) 40 to present burnt offerings to the Lord on the altar of burnt offering regularly, morning and evening, in accordance with everything written in the Law(AY) of the Lord, which he had given Israel. 41 With them were Heman(AZ) and Jeduthun and the rest of those chosen and designated by name to give thanks to the Lord, “for his love endures forever.” 42 Heman and Jeduthun were responsible for the sounding of the trumpets and cymbals and for the playing of the other instruments for sacred song.(BA) The sons of Jeduthun(BB) were stationed at the gate.

43 Then all the people left, each for their own home, and David returned home to bless his family.

Footnotes

  1. 1 Chronicles 16:4 Or petition; or invoke
  2. 1 Chronicles 16:5 See 15:18,20; Hebrew Jeiel, possibly another name for Jaaziel.
  3. 1 Chronicles 16:15 Some Septuagint manuscripts (see also Psalm 105:8); Hebrew Remember
  4. 1 Chronicles 16:20 One Hebrew manuscript, Septuagint and Vulgate (see also Psalm 105:12); most Hebrew manuscripts inherit, / 19 though you are but few in number, / few indeed, and strangers in it.” / 20 They
  5. 1 Chronicles 16:29 Or Lord with the splendor of