Add parallel Print Page Options

Si Jabes ay higit na marangal kaysa mga kapatid niya. Jabes[a] ang ipinangalan sa kanya sapagkat sabi ng kanyang ina, “Masyado akong nahirapan nang ipanganak ko siya.” 10 Ngunit nanalangin si Jabes sa Diyos ng Israel at sinabi: “Pagpalain po ninyo ako! Palawakin ninyo ang aking lupain. Samahan po ninyo ako at ingatan sa anumang kasawiang makakasakit sa akin.” At ipinagkaloob ng Diyos ang kanyang kahilingan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Cronica 4:9 JABES: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng pangalang ito'y “hirap” o kaya'y “sakit” .