1 Corinto 11:27-34
Ang Biblia (1978)
27 (A)Kaya't ang sinomang kumain ng tinapay, o uminom sa saro ng Panginoon, na di nararapat, ay magkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.
28 Datapuwa't (B)siyasatin ng tao ang kaniyang sarili, at saka kumain ng tinapay, at uminom sa saro.
29 Sapagka't ang kumakain at umiinom, ay kumakain at umiinom ng hatol sa kaniyang sarili, kung hindi niya kinikilala ang katawan ng Panginoon.
30 Dahil dito'y marami sa inyo ang (C)mahihina at mga masasaktin, at hindi kakaunti ang (D)nangatutulog.
31 Datapuwa't kung ating kilalanin ang ating sarili, ay hindi tayo hahatulan.
32 Datapuwa't kung tayo'y hinahatulan, ay (E)pinarurusahan tayo ng Panginoon, upang huwag tayong mahatulang kasama ng sanglibutan.
33 Dahil dito, mga kapatid ko, kung kayo'y mangagsasalosalo sa pagkain, ay mangaghintayan kayo.
34 (F)Kung ang sinoman ay magutom, kumain siya sa bahay; upang ang inyong pagsasalosalo ay huwag maging sa paghatol. At ang iba ay aking (G)aayusin (H)pagpariyan ko.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978