Add parallel Print Page Options

Datapuwa't ibig ko na inyong maalaman, (A)na ang pangulo ng bawa't lalake ay si Cristo, at (B)ang pangulo ng babae ay ang lalake, at (C)ang pangulo ni Cristo ay ang Dios.

Ang bawa't lalaking nanalangin, o (D)nanghuhula na may takip ang ulo, ay niwawalan ng puri ang kaniyang ulo.

Datapuwa't ang (E)bawa't babaing nananalangin o nanghuhula na walang lambong ang kaniyang ulo, niwawalan ng puri ang kaniyang ulo; sapagka't gaya rin ng kung kaniyang inahitan.

Sapagka't kung ang babae ay walang lambong, ay pagupit naman; nguni't kung (F)kahiyahiya sa babae ang pagupit o paahit, ay maglambong siya.

Sapagka't katotohanang ang lalake ay hindi dapat maglambong sa kaniyang ulo, palibhasa'y (G)larawan siya at kaluwalhatian ng Dios: nguni't ang babae ay siyang kaluwalhatian ng lalake.

Sapagka't (H)ang lalake ay hindi sa babae; kundi ang babae ay sa lalake:

Sapagka't (I)hindi nilalang ang lalake dahil sa babae; kundi ang babae dahil sa lalake;

10 Dahil dito'y nararapat na ang babae ay magkaroon sa kaniyang ulo ng tanda ng kapamahalaan, (J)dahil sa mga anghel.

Read full chapter