1 Corinto 9:7-14
Ang Biblia, 2001
7 Sino ang naglilingkod bilang isang kawal sa sarili niyang gastos? Sino ang nagtatanim ng ubasan at hindi kumakain ng bunga nito? Sino ang nag-aalaga sa kawan, at hindi umiinom ng gatas ng kawan?
8 Ang mga bagay na ito ay sinasabi ko hindi ayon sa pananaw ng mga tao. Hindi ba't ganito rin ang sinasabi ng kautusan?
9 Sapagkat(A) nakasulat sa kautusan ni Moises, “Huwag mong lalagyan ng busal ang baka kapag gumigiik.” Ang mga baka ba ang pinagmamalasakitan ng Diyos?
10 Hindi ba't siya ay nagsasalita para sa ating kapakanan? Ito ay nasulat para sa atin, sapagkat ang nag-aararo ay dapat mag-araro na may pag-asa, at ang gumigiik ay gumiik na may pag-asa na magkakaroon ng bahagi.
11 Kung(B) kami ay nakapaghasik sa inyo ng mga bagay na espirituwal, kalabisan ba na aming anihin ang inyong mga bagay na materyal?
12 Kung ang iba ay mayroong ganitong karapatan sa inyo, hindi ba higit pa kami? Gayunma'y hindi namin ginamit ang karapatang ito, kundi tinitiis namin ang lahat ng mga bagay, upang huwag kaming makahadlang sa ebanghelyo ni Cristo.
13 Hindi(C) ba ninyo nalalaman na ang mga gumagawa ng paglilingkod sa templo ay kumakain ng mga bagay na mula sa templo, at ang mga naglilingkod sa dambana ay mga kabahagi ng mga handog sa dambana?
14 Gayundin(D) naman, ipinag-utos ng Panginoon na ang mga nangangaral ng ebanghelyo ay dapat kumuha ng kanilang ikabubuhay mula sa ebanghelyo.
Read full chapter