Font Size
1 Mga Hari 14:31
Ang Biblia, 2001
1 Mga Hari 14:31
Ang Biblia, 2001
31 At si Rehoboam ay natulog at inilibing na kasama ng kanyang mga ninuno, sa lunsod ni David. Ang kanyang ina ay si Naama na Ammonita. At si Abiam na kanyang anak ay naghari na kapalit niya.
Read full chapter
1 Mga Hari 15:6-8
Ang Biblia, 2001
1 Mga Hari 15:6-8
Ang Biblia, 2001
6 Ang(A) digmaan sa pagitan nina Rehoboam at Jeroboam ay nagpatuloy sa lahat ng araw ng kanyang buhay.
7 Ang iba pa sa mga gawa ni Abiam, at ang lahat niyang ginawa, hindi ba nasusulat ang mga iyon sa Aklat ng mga Kasaysayan[a] ng mga hari ng Juda? At nagkaroon ng digmaan sina Abiam at Jeroboam.
8 At si Abiam ay natulog na kasama ng kanyang mga ninuno at kanilang inilibing siya sa lunsod ni David. Si Asa na kanyang anak ay naghari na kapalit niya.
Read full chapterFootnotes
- 1 Mga Hari 15:7 o Cronica .