1 Macabeo 1:10-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Si Antioco Epifanes at ang mga Taksil na Judio(A)
10 Sa(B) lahi ng mga ito'y may lumitaw na masamang hari. Ito'y si Antioco Epifanes, na anak ni Haring Antioco III ng Siria. Siya'y isa lamang bihag sa Roma bago siya naging hari ng Siria. Nagsimula siyang maghari nang taóng 137.
11 Noong kapanahunan ni Antioco Epifanes, may lumitaw sa Israel na masasamang Judio na ayaw sumunod sa Kautusan, at inaakit pa ang mga mamamayan na makipagkasundo sa mga Hentil sa palibot nila. “Makipagkasundo na tayo sa kanila; wala naman tayong napapala sa hindi pakikipagkasundo kundi pawang kapahamakan,” pang-aakit nila. 12 Ang ganitong panukala ay nagustuhan ng marami 13 at ang ilan sa kanila'y agad nagpunta sa hari upang humingi ng pahintulot na sumunod sa mga tuntunin ng mga bansang dayuhan. Pumayag naman ang hari. 14 Nagtayo sila ng isang malaking palaruan sa Jerusalem, tulad ng nasa mga lunsod ng mga Griego. 15 Gumawa(C) sila ng paraan upang maalis ang bakas ng kanilang pagiging tuli, at pati ang banal na kasunduan ay kanilang tinalikuran. Nakiisa[a] sila sa mga Hentil at ginawa nila ang lahat ng uri ng masasamang gawain.
Read full chapterFootnotes
- 15 Nakiisa: o kaya'y Nakipag-asawa .