1 Pedro 1:3-2:10
Ang Biblia (1978)
3 Purihin nawa ang Dios (A)at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli (B)tayo sa isang buhay na pagasa (C)sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay,
4 Sa isang manang di nasisira, at walang dungis, at hindi kumukupas, (D)na inilaan sa langit para sa inyo,
5 Na sa kapangyarihan ng Dios (E)ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon.
6 Na ito ang inyong totoong ikinagagalak, bagama't (F)ngayo'y sa sangdaling panahon, (G)kung kailangan, ay pinalumbay kayo sa muli't muling pagsubok,
7 Upang (H)ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa ginto na nasisira bagama't ito'y (I)sinusubok sa pamamagitan ng apoy, (J)ay masumpungan sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal (K)sa pagpapakahayag ni Jesucristo:
8 Na hindi ninyo nakita ay inyong iniibig; (L)na bagama't ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayon ma'y (M)inyong sinasampalatayanan, na kayo'y nangagagalak na totoo na may galak na di masayod at puspos ng kaluwalhatian:
9 (N)Na inyong tinatanggap ang layunin ng inyong pananampalataya, ang pagkaligtas ng inyong mga kaluluwa.
10 Tungkol sa pagkaligtas na ito ay nagsikap at nagsiyasat na maigi (O)ang mga propeta, na nangagsihula tungkol sa biyayang dadating sa inyo:
11 Na sinisiyasat ang kahulugan kung ano at kailang panahon itinuro (P)ng Espiritu ni Cristo na sumasa kanila, (Q)nang patotohanan nang una ang mga pagbabata ni Cristo, at ang mga kaluwalhatiang hahalili sa mga ito.
12 Na ipinahayag sa kanila, na hindi sa ganang kanilang sarili, kundi sa ganang inyo, pinangasiwaan nila ang mga bagay na ito, na ngayo'y ibinalita sa inyo sa pamamagitan ng mga nagsipangaral sa inyo ng evangelio sa pamamagitan (R)ng Espiritu Santo na sinugo mula sa langit; na ang mga bagay na ito'y ninanasang mamasdan ng mga anghel.
13 Kaya't (S)inyong bigkisan ang mga baywang ng inyong pagiisip, (T)na maging mapagpigil kayo at inyong ilagak na lubos ang inyong pagasa sa biyayang (U)dadalhin sa inyo sa pagkahayag ni Jesucristo;
14 Na gaya ng mga anak na matalimahin, (V)na huwag kayong mangagasal na ayon sa inyong dating mga masasamang pita nang kayo'y na (W)sa kawalang kaalaman:
15 Nguni't yamang banal (X)ang sa inyo'y tumawag, ay mangagpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan (Y)ng pamumuhay;
16 Sapagka't nasusulat, (Z)Kayo'y mangagpakabanal; sapagka't ako'y banal.
17 At kung inyong tinatawagan, na Ama, siyang (AA)walang itinatanging tao, na humahatol ayon sa gawa ng bawa't isa, ay gugulin ninyo sa (AB)takot ang panahon ng inyong (AC)pangingibang bayan:
18 Na inyong nalalamang (AD)kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay, na (AE)ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang;
19 Kundi ng mahalagang (AF)dugo, gaya ng sa (AG)korderong (AH)walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga'y ang dugo ni Cristo:
20 (AI)Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni't inihayag (AJ)sa mga huling panahon dahil sa inyo,
21 Na sa pamamagitan niya ay nanganampalataya kayo sa Dios, (AK)na sa kaniya'y bumuhay na maguli sa mga patay, at (AL)sa kaniya'y nagbigay ng kaluwalhatian; upang ang inyong pananampalataya at pagasa ay mapasa Dios.
22 Yamang (AM)nilinis ninyo ang mga kaluluwa sa inyong pagtalima sa katotohanan, (AN)sa pagibig na hindi pakunwari sa mga kapatid, ay mangagibigan kayo ng (AO)buong ningas ng inyong puso sa isa't isa:
23 (AP)Yamang ipinanganak kayong muli, hindi sa binhing nasisira, kundi sa walang kasiraan, (AQ)sa pamamagitan (AR)ng salita ng Dios (AS)na nabubuhay at namamalagi.
24 Sapagka't,
(AT)Ang lahat ng laman ay gaya ng damo,
At ang lahat ng kaniyang karangalan ay gaya ng bulaklak ng damo.
Ang damo'y natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta:
25 (AU)Datapuwa't ang salita ng Panginoon ay namamalagi magpakailan man.
At ito ang salita ng mabubuting balita na ipinangaral sa inyo.
2 (AV)Kaya't sa paghihiwalay ng lahat na (AW)kasamaan, at lahat ng pagdaraya, at pagpapaimbabaw, at mga pananaghili, at ng lahat (AX)ng panglalait,
2 (AY)Gaya ng mga sanggol na bagong panganak ay nasain ninyo (AZ)ang gatas na walang daya na ukol sa espiritu, upang sa pamamagitan nito'y magsilago kayo sa ikaliligtas;
3 Kung inyong (BA)napagkilala na ang Panginoon ay (BB)mapagbiyaya:
4 Na kayo'y magsilapit sa kaniya, na isang batong buhay, na sa katotohana'y (BC)itinakuwil ng mga tao, datapuwa't sa Dios ay hirang, mahalaga,
5 Kayo rin naman, na gaya ng mga batong buhay, ay (BD)natatayong (BE)bahay na ukol sa espiritu, (BF)upang maging pagkasaserdoteng banal, (BG)upang maghandog ng mga hain na ukol sa espiritu, (BH)na nangakalulugod sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo.
6 Sapagka't ito ang nilalaman ng kasulatan,
(BI)Narito, aking inilalagay sa Sion ang isang batong panulok na pangulo, hirang mahalaga:
At ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.
7 Sa inyo ngang nangananampalataya, siya'y mahalaga: datapuwa't sa hindi nangananampalataya,
(BJ)Ang batong itinakuwil ng nagsisipagtayo ng bahay
Siyang naging pangulo sa panulok;
8 At,
Batong katitisuran, (BK)at bato na pangbuwal;
Sapagka't sila ay natitisod sa salita, palibhasa'y mga suwail: (BL)na dito rin naman sila itinalaga,
9 Datapuwa't kayo'y (BM)isang lahing hirang, isang makaharing (BN)pagkasaserdote, (BO)bansang banal, bayang pagaaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo (BP)mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan:
10 Na (BQ)nang nakaraang panahon ay hindi bayan, datapuwa't ngayo'y bayan ng Dios: na hindi nagsipagkamit ng awa, datapuwa't ngayo'y nagsipagkamit ng awa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978