1 Pedro 2:4-8
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
4 Sa paglapit ninyo sa kanya, ang batong buháy na itinakwil ng mga tao ngunit pinili ng Diyos at mahalaga sa kanyang paningin, 5 kayo mismo, tulad ng mga batong buháy, ay itinatayo bilang bahagi ng isang templong espirituwal upang maging mga paring itinalaga para sa Diyos. Kaya't mag-alay kayo ng mga espirituwal na handog na kalugud-lugod sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. 6 Sapagkat (A) ito ang isinasaad ng kasulatan:
“Masdan ninyo, naglalagay ako sa Zion ng isang batong panulok, pinili at mahalaga;
hindi mapapahiya ang sinumang sumasampalataya sa kanya.”
7 Ngayon, (B) sa inyong mga sumasampalataya, siya'y mahalaga; subalit sa mga hindi sumasampalataya,
“Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo
ang siyang naging batong panulok,”
8 at, (C)
“Isang batong katitisuran ng mga tao
at dahilan ng kanilang pagkadapa.”
Sila'y natisod dahil sa pagsuway nila sa salita, at iyon din naman ang kanilang kahihinatnan.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.