Add parallel Print Page Options

Nang maghiwalay sila ni Samuel, si Saul ay binigyan ng Diyos ng bagong katauhan. At nang araw ring iyon, naganap ang lahat ng sinabi sa kanya ni Samuel. 10 Pagdating nila sa Gibea, nakasalubong nga nila ang isang pangkat ng mga propeta. Lumukob kay Saul ang Espiritu[a] ni Yahweh at siya'y nagpahayag din tulad sa ginagawa ng mga propeta. 11 Nang makita siya ng mga nakakakilala sa kanya, itinanong ng mga ito, “Ano bang nangyari kay Saul na anak ni Kish? Propeta na rin ba si Saul?”

12 Isang(A) tagaroon ang sumagot, “Bakit naman hindi? Baka siya pa nga ang kanilang pinuno.”[b] At dahil dito, nagsimula ang kasabihang, “Propeta na rin ba si Saul?” 13 Pagkatapos ng pangyayaring iyon, si Saul ay nagpunta sa altar sa burol.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1 Samuel 10:10 Espiritu: o kaya'y kapangyarihan .
  2. 1 Samuel 10:12 Bakit…pinuno: o kaya'y Paano siya magiging propeta? Sino ba ang pinuno ng mga propetang iyan?