Add parallel Print Page Options

13 Hindi kami magmamalaki patungkol sa sukat ng mga bagay na hindi masusukat subalit ayon sa sukat ng pananagutan na ibinigay ng Diyos sa amin, na sa sukat na ito ay kabahagi lalo na kayo. 14 Hindi namin pinilit ang aming sarili na abutinkayo nang higit sa hinihingi ng Diyos sa amin sapagkat kayo rin naman ay inabot namin sa pamamagitan lamang ng ebanghelyo ni Cristo. 15 Hindi namin ipinagmamalaki ang mga bagay na hindi namin kaya. Hindi namin ipinagmamalalaki ang mga gawa ng iba. Umaasa kami, na habang lumalago ang inyong pananampalataya, ay lubos na palalawakin ng Diyos, sa pamamagitan ninyo, ang aming gawain sa inyong kalagitnaan.

Read full chapter