Add parallel Print Page Options

Ibinabagsak nito ang mga pag-iisip at bawat matataas na bagay na nagtataas sa kaniyang sarili laban sa kaalaman ng Diyos. Dinadala nitong alipin ang bawat kaisipan patungo sa pagsunod kay Cristo. Ito ay handang maghiganti sa lahat ng pagsuway kapag naganap na ang inyong pagsunod.

Tinitingnan ba ninyo ang mga bagay sa panlabas na anyo? Kung ang sinuman ay naniniwala sa kaniyang sarili na siya ay kay Cristo, isipin niyang muli ito. Kung siya ay kay Cristo, kami rin naman ay kay Cristo.

Read full chapter