Add parallel Print Page Options

Sapagka't ako'y (A)naninibugho tungkol sa inyo ng panibughong ukol sa Dios: sapagka't kayo'y aking pinapagasawa sa isa, upang kayo'y maiharap ko kay Cristo na (B)tulad sa dalagang malinis.

Nguni't ako'y natatakot, baka sa anomang paraan, (C)kung paanong si Eva ay nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan, ang inyong walang malay at malinis na mga pagiisip na kay Cristo ay pasamain.

Sapagka't kung (D)yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral, o kung kayo'y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap, o (E)ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap, ay mabuting pagtiisan ninyo.

Read full chapter