Add parallel Print Page Options

26 Madalas akong nasa paglalakbay, nasusuong sa panganibsa mga ilog, nasusuong sa panganib sa mandarambong. Nasusuong ako sa panganib mula sa sarili kong lahi, nasusuong sa panganib mula sa mga Gentil. Nasusuong sa panganib sa lungsod, nasusuong sa panganib sa ilang. Nasusuong ako sa panganib sa karagatan, nasusuong sa panganib mula sa mga hindi tunay na kapatiran. 27 Madalas ako sa pagpapagal at mabibigat na paggawa. Madalas akong nagpupuyat, nagugutom at nauuhaw, madalas akong nag-aayuno, giniginaw at walang damit. 28 Sa kabila ng mga bagay na panlabas, araw-araw ako ay ginigitgit ng pagmamalasakit sa mga iglesiya.

Read full chapter