Add parallel Print Page Options

Siya rin ang gumawa na kami ay maging mga may kakayanang tagapaglingkod ng bagong tipan. Ito ay hindi sa pamamagitan ng kasulatan ng kautusan kundi ng Espiritu dahil ang kasulatan ng kautusan ay pumapatay, ngunit ang Espiritu ay nagbibigay ng buhay.

Ang Kaluwalhatian ng Bagong Tipan

Ang paglilingkod ng kamatayan sa mga sulat na iniukit sa mga bato ay ginawa na may kaluwalhatian. Ito ay upang ang mga anak ni Israel ay hindimakatitig sa mukha ni Moises dahil sa kaluwalhatian ng kaniyang mukha. Ang kaluwalhatiang iyon ay lilipas.

Kung ganito ito, bakit hindi magiging lalong maluwalhati ang paglilingkod ng Espiritu?

Read full chapter