Add parallel Print Page Options

Mga Kayamanan sa Sisidlang-Lupa

Kaya't yamang sa pamamagitan ng kahabagan ng Diyos ay tinataglay namin ang paglilingkod na ito, hindi kami pinanghihinaan ng loob. Sa halip ay itinatakwil namin ang mga kahiya-hiyang bagay na inililihim. Hindi kami namumuhay sa katusuhan at hindi namin binabaluktot ang salita ng Diyos, kundi sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan ay inilalapit namin ang aming sarili sa bawat budhi ng mga tao sa paningin ng Diyos. At kung ang aming ebanghelyo ay natatalukbungan pa, ito ay natatalukbungan lamang sa mga napapahamak. Binulag ng diyos ng sanlibutang ito ang pag-iisip ng mga hindi sumasampalataya, upang hindi nila makita ang liwanag ng ebanghelyo ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Diyos. Sapagkat hindi ang mga sarili namin ang aming ipinangangaral, kundi si Cristo Jesus na Panginoon, at ang aming mga sarili ay mga alipin ninyo alang-alang kay Cristo. Sapagkat (A) ang Diyos na nagsabi, “Magliwanag ang ilaw sa kadiliman,” ay siyang nagliwanag sa aming mga puso upang ihasik ang liwanag ng pagkakilala sa kaluwalhatian ng Diyos na nasa mukha ni Jesu-Cristo.

Ngunit taglay namin ang kayamanang ito sa mga sisidlang-lupa, upang ipakita na ang walang kapantay na kapangyarihang ito ay mula sa Diyos, at hindi mula sa amin. Kabi-kabila ang pagpapahirap sa amin, ngunit hindi kami nadudurog; nalilito ngunit hindi nanlulupaypay; pinag-uusig, ngunit hindi pinababayaan; pinababagsak, ngunit hindi nawawasak. 10 Dala-dala namin sa katawan ang kamatayan ni Jesus, upang mahayag din sa aming katawan ang buhay ni Jesus. 11 Sapagkat kaming nabubuhay ay laging nabibingit sa kamatayan dahil kay Jesus, upang ang kanyang buhay ay mahayag sa pamamagitan ng aming katawang may kamatayan. 12 Kaya't ang kumikilos sa amin ay kamatayan, ngunit sa inyo naman ay buhay. 13 Ngunit dahil (B) taglay namin ang gayunding espiritu ng pananampalataya, ayon sa nasusulat, “Sumampalataya ako, kaya't ako ay nagsasalita,” sumasampalataya rin kami, kaya't kami ay nagsasalita. 14 Sapagkat alam namin na ang bumuhay sa Panginoong Jesus ay siya ring bubuhay sa amin na kasama ni Jesus, at dadalhin kaming kasama ninyo sa kanyang harapan. 15 Ang lahat ng mga ito ay para sa inyo, upang ang biyayang nakararating sa mas marami pang mga tao ay lalong magparami ng pagpapasalamat tungo sa ikaluluwalhati ng Diyos.

Mamuhay sa Pananampalataya

16 Kaya't hindi kami pinanghihinaan ng loob; bagaman ang aming panlabas na pagkatao ay nabubulok, binibigyan naman ng panibagong lakas sa araw-araw ang aming panloob na pagkatao. 17 Sapagkat itong magaan at pansamantalang paghihirap ang naghahanda sa atin para sa walang hanggang kaluwalhatian na hindi maihahambing sa anuman. 18 Sapagkat hindi namin pinagmamasdan ang mga bagay na nakikita, kundi ang mga bagay na hindi nakikita, sapagkat ang mga bagay na nakikita ay pansamantala lamang, subalit ang mga bagay na hindi nakikita ay walang hanggan.

Paul’s Apostolic Ministry

Therefore, since we have this ministry, just as we received mercy [from God, granting us salvation, opportunities, and blessings], we do not get discouraged nor lose our motivation. But we have renounced the disgraceful things hidden because of shame; not walking in trickery or adulterating the word of God, but by stating the truth [openly and plainly], we commend ourselves to everyone’s conscience in the sight of God. But even if our gospel is [in some sense] hidden [behind a veil], it is hidden [only] to those who are perishing; among them the god of this world [Satan] has blinded the minds of the unbelieving to prevent them from seeing the illuminating light of the gospel of the glory of Christ, who is the image of God. For we do not preach ourselves, but Jesus Christ as Lord, and ourselves [merely] as your bond-servants for Jesus’ sake. For God, who said, “Let light shine out of darkness,” is the One who has shone in our hearts to give us the Light of the knowledge of the glory and majesty of God [clearly revealed] in the face of Christ.(A)

But we have this precious treasure [the good news about salvation] in [unworthy] earthen vessels [of human frailty], so that the grandeur and surpassing greatness of the power will be [shown to be] from God [His sufficiency] and not from ourselves. We are pressured in every way [hedged in], but not crushed; perplexed [unsure of finding a way out], but not driven to despair; hunted down and persecuted, but not deserted [to stand alone]; struck down, but never destroyed; 10 always carrying around in the body the dying of Jesus, so that the [resurrection] life of Jesus also may be shown in our body. 11 For we who live are constantly [experiencing the threat of] being handed over to death for Jesus’ sake, so that the [resurrection] life of Jesus also may be evidenced in our mortal body [which is subject to death]. 12 So physical death is [actively] at work in us, but [spiritual] life [is actively at work] in you.

13 Yet we have the same spirit of faith as he had, who wrote in Scripture, “I believed, therefore I spoke.” We also believe, therefore we also speak,(B) 14 knowing that He who raised the Lord Jesus will also raise us with Jesus and will present us [along] with you in His presence. 15 For all [these] things are for your sake, so that as [God’s remarkable, undeserved] grace reaches to more and more people it may increase thanksgiving, to the glory of [our great] God.

16 Therefore we do not become discouraged [spiritless, disappointed, or afraid]. Though our outer self is [progressively] wasting away, yet our inner self is being [progressively] renewed day by day. 17 For our momentary, light distress [this passing trouble] is producing for us an eternal weight of glory [a fullness] beyond all measure [surpassing all comparisons, a transcendent splendor and an endless blessedness]! 18 So we look not at the things which are seen, but at the things which are unseen; for the things which are visible are temporal [just brief and fleeting], but the things which are invisible are everlasting and imperishable.