Add parallel Print Page Options

14 Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya: sapagka't (A)anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan? o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman?

15 At anong pakikipagkasundo mayroon si Cristo kay Belial? o anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya?

16 At anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Dios sa mga diosdiosan? (B)sapagka't tayo'y templo ng Dios na buhay; gaya ng sabi ng Dios, (C)Mananahan ako sa kanila, at lalakad ako sa kanila; at ako'y magiging kanilang Dios, at sila'y magiging aking bayan.

Read full chapter