Add parallel Print Page Options

Ang Pakikisama sa mga Di-sumasampalataya

14 Huwag kayong makisama sa mga di-sumasampalataya na para bang kapareho ninyo sila. Maaari bang magsama ang katuwiran at ang kalikuan? O kaya'y ang liwanag at ang kadiliman? 15 Maaari bang magkasundo si Cristo at ang Diyablo[a]? Ano ang kaugnayan ng sumasampalataya sa di- sumasampalataya? 16 O(A) di kaya'y ng templo ng Diyos sa diyus-diyosan? Hindi ba't tayo ang templo[b] ng Diyos na buháy? Siya na rin ang maysabi,

“Mananahan ako
    at mamumuhay sa piling nila.
Ako ang magiging Diyos nila,
    at sila'y magiging bayan ko.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Corinto 6:15 ang Diyablo: Sa Griego ay Belial .
  2. 2 Corinto 6:16 tayo ang templo: Sa ibang manuskrito'y tayo ang mga templo, at sa iba pang manuskrito'y kayo ang templo .