Add parallel Print Page Options

Ano pa't (A)namanhik kami kay (B)Tito, na yamang siya'y nagpasimula nang una, ay siya na rin ang gumanap sa inyo ng biyayang ito.

Datapuwa't yamang kayo'y nagsisisagana (C)sa lahat ng mga bagay, sa pananampalataya, at pananalita, at kaalaman, at sa buong kasipagan, at sa inyong pagibig sa amin ay magsisagana naman kayo sa biyayang ito.

Hindi ako nangungusap na tulad sa naguutos, (D)kundi gaya ng sumusubok sa pamamagitan ng kasipagan ng iba ang katapatan naman ng inyong pagibig.

Read full chapter