Add parallel Print Page Options

Kaya't pinakiusapan namin si Tito na yamang mayroon na siyang pinasimulan, nararapat na tapusin din niya sa inyo ang biyayang ito. Ngunit kung paanong kayo'y sumasagana sa lahat ng bagay, sa pananampalataya, sa pananalita, sa kaalaman, sa kasabikang tumulong, at sa inyong pag-ibig sa amin, sikapin din ninyo na kayo ay sumagana sa biyaya ng pagbibigay.

Hindi sa inuutusan ko kayo, ngunit nais kong subukin ang katapatan ng inyong pag-ibig sa pamamagitan ng kasabikan ng iba na tumulong.

Read full chapter