Font Size
2 Corinto 9:10-12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 Corinto 9:10-12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
10 Siyang (A) nagbibigay ng binhi sa magsasaka at ng tinapay upang makain ng tao ay siya ring magbibigay at magdaragdag ng inyong binhing itatanim, at magpaparami ng mga bunga ng inyong mga gawang matuwid. 11 Payayamanin niya kayo sa lahat ng bagay upang lalo kayong makapagbigay at sa pamamagitan namin ay magbunga ito ng pasasalamat sa Diyos. 12 Sapagkat ang pangangasiwa sa paglilingkod na ito ay hindi lamang tumutustos sa pangangailangan ng mga banal, kundi nagiging sanhi rin ng pag-apaw ng pasasalamat sa Diyos.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.