Add parallel Print Page Options

Pagkatapos, umalis si Solomon at ang lahat ng tao papuntang sambahan sa matataas na lugar[a] sa Gibeon, dahil naroon ang Toldang Tipanan ng Dios. Ang toldang ito ay ang ipinagawa ni Moises na lingkod ng Panginoon sa disyerto. Nang panahong iyon, nailipat na ni David ang Kahon ng Kasunduan ng Dios mula sa Kiriat Jearim papunta sa toldang inihanda niya para rito, doon sa Jerusalem. Ngunit ang tansong altar na ginawa ni Bezalel na anak ni Uri at apo ni Hur ay naroon pa sa Gibeon sa harap ng Tolda ng Panginoon. Kaya doon nagtipon si Solomon at ang lahat ng tao para magtanong sa Panginoon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:3 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.