Add parallel Print Page Options

12 At sa bawa't bayan, siya'y naglagay ng mga kalasag at mga sibat, at pinatibay niyang mainam ang mga yaon. At ang Juda at ang Benjamin ay ukol sa kaniya.

Ang mga Levita ay nagsiparoon sa Juda.

13 At ang mga saserdote at mga Levita na nangasa buong Israel ay napasakop sa kaniya na mula sa kanilang buong hangganan.

14 Sapagka't iniwan ng mga Levita ang kanilang mga (A)nayon at ang kanilang pagaari, at nagsiparoon sa Juda at Jerusalem: sapagka't pinalayas (B)sila ni Jeroboam at ng kaniyang mga anak, na huwag nilang gagawin ang katungkulang pagkasaserdote sa Panginoon;

Read full chapter