Font Size
2 Cronica 11:13-15
Ang Biblia, 2001
2 Cronica 11:13-15
Ang Biblia, 2001
Ang mga Pari at Levita ay Pumaroon sa Juda
13 At ang mga pari at mga Levita na nasa buong Israel ay napasakop sa kanya mula sa lahat ng lugar na kanilang tinitirhan.
14 Iniwan ng mga Levita ang kanilang mga lupain at ari-arian at nagtungo sa Juda at Jerusalem; sapagkat pinalayas sila ni Jeroboam at ng kanyang mga anak sa paglilingkod bilang mga pari ng Panginoon,
15 at(A) siya'y humirang ng sarili niyang mga pari para sa matataas na dako, at para sa mga kambing na demonyo, at para sa mga guya na kanyang ginawa.
Read full chapter