Add parallel Print Page Options

15 at(A) siya'y humirang ng sarili niyang mga pari para sa matataas na dako, at para sa mga kambing na demonyo, at para sa mga guya na kanyang ginawa.

16 At ang lahat ng naglagak ng kanilang mga puso upang hanapin ang Panginoong Diyos ng Israel ay dumating pagkatapos nila mula sa lahat ng lipi ng Israel sa Jerusalem upang maghandog sa Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga magulang.

17 Kanilang pinalakas ang kaharian ng Juda, at sa loob ng tatlong taon ay pinatatag nila si Rehoboam na anak ni Solomon, sapagkat sila'y lumakad ng tatlong taon sa landas nina David at Solomon.

Read full chapter