Add parallel Print Page Options

15 Nagtalaga si Jeroboam ng sarili niyang mga pari sa mga sambahan sa matataas na lugar,[a] kung saan sumasamba sila sa kanilang mga dios-diosan na kambing at baka na gawa ni Jeroboam. 16 Ang mga Israelita sa ibang lahi ng Israel na gustong dumulog sa Panginoon, ang Dios ng Israel ay sumunod sa mga Levita sa Jerusalem, para makapaghandog sila ng mga handog sa Panginoon, ang Dios ng kanilang mga ninuno. 17 Pinatibay nila ang kaharian ng Juda, at sa loob ng tatlong taon, sinuportahan nila si Rehoboam na anak ni Solomon. Sumunod sila sa Panginoon gaya ng kanilang ginawa noong naghari sina David at Solomon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:15 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.