Add parallel Print Page Options

At nang makita ng Panginoon na sila'y nangagpakumbaba, ang salita ng Panginoon ay dumating kay Semeias, na sinasabi, Sila'y nangagpakumbaba; hindi ko gigibain sila: kundi aking bibigyan sila ng kaunting pagliligtas, at ang aking galit ay hindi mabubugso sa Jerusalem sa pamamagitan ng kamay ni Sisac.

Gayon ma'y sila'y magiging kaniyang alipin; upang kanilang makilala (A)ang paglilingkod sa akin, at ang paglilingkod sa mga kaharian ng mga lupain.

Ang templo ay iginiba.

(B)Sa gayo'y umahon si Sisac na hari sa Egipto laban sa Jerusalem, at dinala ang mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at mga kayamanan ng bahay ng hari; kaniyang kinuhang lahat: kaniyang kinuha pati ng mga kalasag na ginto na (C)ginawa ni Salomon.

Read full chapter