Font Size
2 Cronica 15:14-16
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Cronica 15:14-16
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
14 Pasigaw na nanumpa sila kay Yahweh. Nagsigawan sila kasabay ng pag-ihip sa mga trumpeta at tambuli. 15 Masayang-masaya ang buong Juda sa kanilang pagkakaisa sapagkat buong puso silang nangakong sasamba kay Yahweh. At ang kanilang masayang pagsamba ay tinanggap ni Yahweh; nalugod siya sa kanila kaya binigyan sila ni Yahweh ng kapayapaan sa lahat ng panig.
16 Inalis ni Haring Asa sa pagiging inang-reyna ang lola[a] niyang si Maaca sapagkat nagtayo ito ng malaswang rebulto ng diyosang si Ashera. Winasak niya iyon at sinunog sa Libis ng Kidron.
Read full chapterFootnotes
- 16 lola: o kaya'y ina .