Font Size
2 Cronica 17:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Cronica 17:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Paghahari ni Jehoshafat
17 Ang humalili kay Asa bilang hari ay ang anak niyang si Jehoshafat, at pinalakas nito ang kanyang paghahari laban sa Israel. 2 Naglagay siya ng mga kawal sa lahat ng mga lunsod na may pader sa Juda at nagtayo ng mga kampo sa buong bansa, pati sa mga lunsod ng Efraim na nasakop ng kanyang amang si Asa. 3 Pinatnubayan si Jehoshafat ni Yahweh sapagkat tinularan niya ang mabuting pamumuhay ng kanyang ama noong una. Hindi siya sumamba sa mga Baal.
Read full chapter