Font Size
2 Cronica 17:10-12
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Cronica 17:10-12
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Kapangyarihan ni Jehoshafat
10 Ang mga kaharian sa palibot ng Juda ay pinagharian ng takot kay Yahweh kaya't hindi nila dinigma si Jehoshafat. 11 Nagpadala sa kanya ng mga pilak ang mga Filisteo bilang buwis. Nagbigay naman ang mga Arabo ng pitong libo't pitong daang lalaking tupa at gayundin karaming kambing na lalaki. 12 Lalong naging makapangyarihan si Jehoshafat. Pinaderan niya ang mga lunsod sa Juda at nagpatayo ng mga lunsod-imbakan.
Read full chapter