Add parallel Print Page Options

Kaya't pinatatag ng Panginoon ang kaharian sa kanyang kamay. Ang buong Juda ay nagdala kay Jehoshafat ng mga kaloob at siya'y nagkaroon ng malaking kayamanan at karangalan.

Ang kanyang puso ay matapang sa mga pamamaraan ng Panginoon; at bukod dito'y inalis niya ang matataas na dako at ang mga sagradong poste[a] sa Juda.

Nang ikatlong taon ng kanyang paghahari ay kanyang sinugo ang kanyang mga pinuno, sina Benhail, Obadias, Zacarias, Natanael, at Micaya upang magturo sa mga bayan ng Juda.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Cronica 17:6 Sa Hebreo ay Ashera .