Add parallel Print Page Options

Matapat siya sa pagsunod sa mga pamamaraan ng Panginoon. Ipinagiba niya ang mga sambahan sa matataas na lugar[a] at ang posteng simbolo ng diosang si Ashera sa Juda.

Nang ikatlong taon ng paghahari niya, dinala niya ang kanyang mga opisyal na sila Ben Hail, Obadias, Zacarias, Netanel at Micaya para magturo sa mga bayan ng Juda. Kasama nila ang ibang mga Levita na sina Shemaya, Netania, Zebadia, Asahel, Shemiramot, Jehonatan, Adonia, Tobia, Tob Adonia, at ang mga pari na sina Elishama at Jehoram.

Read full chapter

Footnotes

  1. 17:6 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.